The Legend of the Constellar King

Chapter 144: Tag temporary


Kinabukasan, tinipon na ni Laniro ang mga napili niya kahapon. Mga mapapayat at mapuputla ang mukha. Biente-uno na kawal ang napagpasyahan ni Laniro na isasama nila papunta sa Moonatoria. Ang anim dito ay may mga sakit, na parang may sakit sa baga dahil ubo ng ubo ito at nanghihina, pero mapapayat ang Anim. May dalawa pa silang kasama na payat na payat talaga animo'y salat na salat na talaga sa pagkain, para ng kalansay kung pagmasdan. Ang Lima naman doon ay may mga kapansan. Gaya ng dalawa doon ay walang paris ng mata, at isa naman doon ay putol ang isang kamay. Tatlo naman doon ang mukhang walang sakit, pero hindi naman sila matitipuno, at medyo lang may kapayatan. Isa lang ang malusog at matipuno doon. Pinili ni Laniro ito, para may matira parin, iniisip kasi ni Laniro na baka kasi mamatay ang mga napili niyang may mga sakit at mga mapapayat na kawal.

Tuwang-tuwa ang mga napili ni Laniro dahil ang buong akala nila ay maglalakbay sila kasama ang hari. Oo, sasama nga sila para sa hari pero hindi nila alam kung saan. Ngayon lang kasi nila naramdaman na may halaga pa sila kahit may mga sakit at kapansan pa sila. Nagtaka din at nainggit ang ilang kawal.

''Bakit hindi tayo ang pinili ng hari?" Tanong ng kawal sa kasama niya, nanlulumo ang kanyang boses at walang sigla na kagaya ng lugar nilang inuulan ng yelo at may malamig na simoy ng hangin. Umuusok ang kanyang ginhawa at tumaas ang kanyang dibdib. "Tayong Matitipuno't malalakas hindi tayo pinansin ng hari?" Narinig ng kawal ang mga malalim na garalgal at pag-aalboroto ng mga kasama niyang kawal doon. Maulap ang kalangitan na dahan-dahang bumubuhos ang mga pinong puting yelo sa mabatong lupain. Sinandal niya ang kanyang malaking itak sa bato at kumuha ng muwebles na pandagdag sa apoy para mas uminit ang paligid. Lumakas ang yabag ng mga mandirigma nang dumaan na si Lanero, sinasadya nila manginig ang tinga nito para sila ay pansinin, pero katulad ng kanilang makakapal na balat ng hayop na akma sa napapanahong taglamig ngayon sa Ossibus ay hindi rin tumalab ang ingay.

Narinig man ni Laniro ang mga usapan nila, hindi lang niya pinansin. Umapak siya ng tatlong beses sa hagdan at pagkatapos tumayo siya sa entablado na taas noo, at tumitingin sa mga kawal sa baba. Binabalot na rin ng mga yebe ang inaapakan niya ngunit kapansin-pansin parin ang maitim na kahoy nito. Tumunog ang maliit kampanilya isang hudyat ng pagtawag sa mga tao para sa mahalagang sasabihin ng hari.

Dumating ang hari, kaya bilang paggalang nila ay nagsitipon ito at humarap sa hari. Nakita nila namay itim na ibon na nakapatong sa balikat ng hari. Isang uwak! Ngayon lang nila ito nakita muli, kaya't nakakapagtaka. Tinitigan ng hari ang lahat ng kawal niya mula sa kaliwa patungo sa kanan. Nagsisidatingan pa ang iba.

"Makinig kayong lahat!" Umalingawngaw ang kanyang makapal boses at nagliparan ang ibang ibon sa itaas. Ramdam niya ang kumakapit na lamig sa kanyang kamay, maingay man ang mga uwak sa bubungan malinaw parin sa pandinig ang boses ng hari sa mga tao. "Kami ay maglalakbay sa nagyeyelong karagatan ng Orcasian!"

Nagbubulung-bulungan ang lahat, iba-iba ang ingay at nag-uusap-usap. Lahat ay gustong sumama sa paglalayag.

"Ngunit, kaunti lang ang sasama!" Sabi ng hari. Iba-iba naman ang reaksiyon ng mga kawal ng marinig nila ang sinasabi ng hari. "Magpapaiwan kayo dito at magbabantay!" Bulwak na pagkasabi ni Matar. "May napili na si Laniro."

"Paano kami?" Sigaw ng isang kawal. "Walang mangangasiwa at magmamando sa amin dito?" Malaki ang kanyang katawan at may hawak na atsa. Siya si Adamoth, kaibigan ni Laniro. At mahusay na mandirigma ni Matar.

"Ikaw ay akin ngayon iniluluklok sa pwesto ng pamumuno sa mga kawal at inuutusan kita na panatilihin ang kapayapaan sa dito sa kaharian ko, at maging talim sa mga taong susubok na magsamantala sa aking pag-alis. Susunod sila sayo, Simula ngayon." Pagluluklok niya Kay Adamoth sa tungkulin bilang pinuno ng mga kawal.

"Maraming salamat, Mahal na hari." Lumuhod si Adamoth at yumuko ang ulo.

Tumayo na si Adamoth at taas-nuong humarap sa hari.

"Simula ngayon, susundin nyo na si Adamoth." Sabi ni Laniro. Nagsiluhod at nagbigay pugay sa kanya. Bumalik na si Matar sa loob ng palasyo niya at inihanda na niya ang sarili sa paglalayag at paglalakbay papunta sa Moonatoria, ngunit isang pangitain ang naghayag sa kanya at sabi: "hintayin mo ang isang babae sa labas ng Moonatoria pagkatapos ng pag-uusap nyo ng hari ng Moonatoria."

Pinapunta na rin ni Laniro ang mga napili niyang mga kawal sa sasakyan nilang barko. Pagkatapos ay nag-usap sila ni Adamoth. Subalit, ilang saglit nagbago ang anyo ng kalangitan naging makulimlim at humangin ng malakas. Maya-maya ay nagsidatingan ang mga hiyaw ng uwak, at nakita nila ang maraming uwak na nagsipatong sa mga bubong ng palasyo. Natakot ang lahat dahil sa dami ng uwak, ay halos mangitim ang mga bubongan ng palasyo. Binubugaw nila ang nakakapangilabot na dami ng uwak. Hindi nila alam kung saan nanggaling ang mga ito. Pero ang alam nila ay isa itong kababalaghan. Isang malagim na araw. Maiingay ang mga uwak at nagsisiliparan at nagsisipangdapo ang mga ito sa kung saan-saan. Pinatawag agad nila ang hari, para makita ang nangyayari sa labas ng palasyo niya. Nang malaman ni Matar ang nangyari sa labas ay hindi siya nabigla o natakot bagkus nginitian pa niya ang nagbalita sa kanya.

"Tumigil kayo sa pamamato't pamamalo sa mga uwak!" Sigaw ni Matar. "Mababait ang mga uwak nayan, mga kasamahan natin sila, na naghuhudyat ng magandang balita para sa ating lahat!!!." Singhal niya sa mga tauhan niya. "Kagaya sila ng uwak kong si Corvus na mabait."

"Pe-pero mahal na hari, parang mga salot sila sa kaharian mo?" Sabi ng isang kawal na may hawak na pana.

"Hindi sila mga Salot!" Sigaw ni Matar na parang umaapoy sa galit. Tumitig ang uwak na nasa balikat ni Matar at humiyaw na parang may ibig sabihin. Pagkatapos noon bigla nalang inatake ng mga uwak ang kawal na'yon na pinagalitan ni Matar. Tinukatuka at kinain ng kinain ang mga laman at namatay ang kawal na'yon. Natakot ang lahat sa pagkakakita. Tumindig ang mga balahibo ng mga tao sa kahindik-hindik na pagkakasaksi sa atake ng mga uwak.

"Tingnan nyo, Hindi sila mga kaaway. Tutulungan nila tayo sa mga kaaway natin!" Sabi ni Matar. "Ang sinumang kokontra sa gusto ko tiyak mamamatay. Kagaya niyan." Turo niya sa kawal na kinakain ng uwak. Nagsiliparan ang mga uwak at naiwan ang mga kalansay na wala ng laman, nagkalat ang dugo at ang baluti nito'y nasira narin at gutay-gutay na. Kahindik!

Nagsiliparan ang mga uwak papalayo at hiwa-hiwalay ang deriksiyon ng lipad. Hindi lumilad si Corvus ang uwak ni Matar kundi nanatili ito sa balikat niyang nakapatong. Nagtataka ang lahat, kung ang kababalaghang yon ay kagagawan ba ng hari o ng uwak. Natatakot na sila sa hari, pati din sa uwak. Iniisip nila na may kakayahaan si Matar na kontrolin ang mga uwak. Nakakabigla man pero wala silang magagawa kundi ang manahimik sa takot.

Nagsimulang naglakbay sina Matar papuntang kanluran, sakay ng mga itim na kabayo. Inihatid sila ng ilang kawal papunta sa karagatan, at pagdating nila doon nakasakay na ang biente-unong kawal. At may mga kawal din doon na guwardya ng barko. Nagbabantay sila doon. Sasama din sila sa paglalayag. Apat na oras ang linakbay nila Matar, mula sa kaharian patungo sa daungan ng barko.

Sinimulan na ang paglalayag. Malaki ang barkong ito, kaya nitong dumaan sa naninigas na karagatan at nagyeyelo. Simula pa lang sa unang araw ay marami na silang nadadaanang yebe at nasasalubong. Malalaki ang tipak ng yelo na lumulutang sa dagat. Masyado ng malamig ang temperatura.

Sa pangalawang araw, may nasalubong sila na isang barko na wasak-wasak at binabalot na ng yebe. Ang barkong ito ay pinaniniwalaang winasak ng isang malaking balyena. Tumitindi na ang lamig, at nakakamatay na. Mga higanting yelo at gabundok na anyo ng yelo ang kanilang nakikita. Habang papalayo, lumiliit at kumikipot ang daanan ng barko sa kalagitnaan ng naninigas at namumuting katubigan ng Orcasian. Sa mga kasama ni Matar ay tatlo na kumalas at namatay. Hindi nila kinayanan ang matinding lamig. Ang mga namamamatay sa kanila ay itinatapon lang nila ito sa nakamamatay na yelo. Nangangaligkig man ang lahat ay patuloy parin ang pakikidigma sa lamig. Balot-na-balot naman si Matar ng makapal na damit nayari sa balat ng hayop. Patay na ang kanyang uwak.

Pagsapit ng ikatlong araw, sumalakay na ang mabagsik at talagang nakakamatay na lamig, kipot na kipot na ang daanan sa yelo, kaya't mabagal na ang usad ng barko. Sa araw na ito, may Lima na mang namatay. Trese na lang ang naiwan. Pagsapit ng gabi, namatay naman ang isa. Nag-aalala na si Laniro, baka maubos ang mga isinama nila sa paglalayag.

"Mahal na hari, Dose na lang ang natitira, ang malungkot pa doon ay baka maubusan tayo ng kasama?" Pagbabalita ni Laniro. "Hindi pa natin masiguro kung magpapatuloy pa ba ang buhay nila dito sa malamig na lugar? At himala pa talaga, kung sino pa ang mga may sakit ang siya pang malakas kumapit." Sabi pa ni Laniro. "Patay na ang ibang may kapansanan, at yong apat na may sakit ay patay na din?" Saad pa nito.

"Patay na si Corvys!" Malamig na pagkakasabi ng hari. Napalingon naman si Laniro sa mga kamay ni Matar, hawak-hawak nito ang ibon. Napalunok naman si Laniro at sinubukan niyang linawin ang kanyang lalamunan.

"Wag mo sanang masamain, mahal na hari?" Medyo may kaba at takot sa boses ni Laniro dahil baka matulad siya sa isang kawal na inatake lang ng bigla ng mga uwak. "A-anong meron ba sa uwak na yan?"

Tinitigan siya ng hari. "Malalaman mo din ang kabuluhan ng mga uwak- pero saka ko nalang sasabihin sayo pagbalik natin." Malungkot na tugon ni Matar. Hindi mapipilit ni Laniro ang hari na sagutin ang kanyang katanungan, at kapag ayaw ng hari na magpatuloy alam na ni Laniro ang kanyang gagawin, Hindi na siya kumibo at umalis na ito sa kinaruruonan ng hari.

Next chapter will be updated first on this website. Come back and continue reading tomorrow, everyone!

If you find any errors ( broken links, non-standard content, etc.. ), Please let us know < report chapter > so we can fix it as soon as possible.


Use arrow keys (or A / D) to PREV/NEXT chapter